^

Bansa

IPRA law pinapasilip sa Kongreso

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan sa Kongreso ang Sangguniang Bayan ng Coron, Palawan na silipin ang pagpapatupad ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) dahil sa umano’y maling interpretasyon sa nasabing batas kaya nagkakaroon ng hindi magandang pangyayari sa naturang lalawigan.

Ayon kay John Patrick Matta, spokesperson ng Coron, Palawan Sangguniang Bayan (SB) sa ginanap na media forum sa Rembrandt Hotel, bagamat gusto nilang magkaroon ng magandang buhay ang mga katutubo sa kanilang lalawigan ay nababalewala lamang ang kanilang efforts dahil sa maling pagpa­patupad at pagkakaintindi sa IPRA.

Paliwanag ni Matta, dahil dito kayat sapilitan din naipasara ang isang pearl farm base sa Temporary Restraining Order (TRO) na ipinalabas ng National Commission on indigenous People (NCIP) habang ang may ari naman ng isang first class resort ay nahingan ng P2.5 milyon para lamang makapag-operate bukod pa rito ang annual fee na P500,000 kabilang ang 2% na gross sales ng resort bilang upa sa isla.

“Sana po ay mabig­yan ng panahon ng mga mambabatas natin na tingnan muli ang batas na IPRA. Kung posible, para sa akin, dapat imbestigahan pa nga ang nangyayari sa amin ng Kamara at Senado. Nakahanda kaming magsalita kung mabibigyan lang ng pagkakataon para ilabas ang lahat ng mga nalalaman naming hindi magandang nangyayari sa lugar. I tell you, this is a Pandora’s box,” ayon kay Matta.

Nanawagan din si Dr. Orlando Sacay na irepeal ang IPRA law at buwagin na rin ang NCIP bunsod sa kawalan nito ng aksyon dahil  sa kaguluhan na nangyayari sa Coron at wala itong ginagawa upang mapaangat ang pamumuhay ng mga katutubo rito na nagagamit pa para umano makapangikil pa sa mga negosyante.

Nagbanta rin si Sacay na hindi maglalagay ng negosyo sa Coron hanggang hindi nabubuwag at nababasura ang IPRA dahil hindi ito nagdudulot ng maganda sa ekonomiya at sa halip ay natatakot pa rito ang mga investors.

Ang NCIP ay nasa ilalim ng Office of the President.

 

CORON

DR. ORLANDO SACAY

INDIGENOUS PEOPLES RIGHTS ACT

JOHN PATRICK MATTA

NANAWAGAN

NATIONAL COMMISSION

OFFICE OF THE PRESIDENT

PALAWAN SANGGUNIANG BAYAN

REMBRANDT HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with