MANILA, Philippines – Asahan na titindi pa ang init matapos ideklara ng state weather bureau na panahon na ng tag-araw.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Miyerkules na wala na ang hanging Amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.
Kaugnay na balita: Tag-araw idedeklara ngayong linggo ng PAGASA
Mainit na hangin mula sa karagatang Pacifico ang magpapainit ng temperatura sa bansa na may kasamang high pressure area.
Inaasahang magtatagal ang tag-init hanggang sa kalagitnaan ng Hunyo.