MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Philippine College of Occupational Medicine na tatlo sa bawat limang Pinoy ang kulang sa Vitamin D.
Ito ayon kay Dr. Marilou Renales, director PCOM, ang lumabas sa pag-aaral kung saan karamihan sa mga office worker ang hindi na nasisikatan ng araw dahil maagang umaalis ng bahay at kung umuwi naman ay madilim o gabi na.
Batay sa resulta ng voluntary blood testing sa mahigit 300 manggagawa sa Metro Manila, 58 porsyento rito ang kulang sa Vitamin D habang 30 porsyento naman ang hindi sapat ang lebel ng Vitamin D sa katawan kabilang na ang ilang doktor.
Naniniwala ang mga eksperto na ang pagtaas ng Vitamin D deficiency sa mga Pilipino ay dahil na rin sa lifestyle o paraan ng pamumuhay.
Paliwanag ni Renales, nakukuha ng natural ang Vitamin D sa pamamagitan ng pagpapa-araw sa umaga at maaaring maging sanhi ng mga sakit gaya ng cancer, hypertension, cardio-vascular disease at diabetes ang kakulangan nito.