Napoles dadalhin sa Ospital ng Makati
MANILA, Philippines – Iniutos ng korte sa Makati City na ilipat ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa Ospital Ng Makati (Osmak) para sa isang emergency checkup sa kanyang cyst sa uterus.
Si Judge Elmo Alameda ng Makati City Regional Trial Court ang naglabas ng desisyon kasunod ng close-door deliberation sa mga abogado ni Napoles at mga doktor ng PNP.
May nakabinbing petisyon si Napoles sa korte kung saan hinihiling nila na maoperasyon siya sa St. Luke's hospital sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ngunit sinabi ni Judge Alameda na sa South Luzon Hospital, Philippine General Hospital, East Avenue Hospital o Osmak lamang puwedeng dalhin si Napoles.
Naiulat na dumadaing ng saki ng tiyan si Napoles dahil sa kanyang cyst.
Nakakulong si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna para sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pork barrel scam whistleblower Benhur Luy.
- Latest