MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang kaso ng holdaper na namaril at nakapatay sa isang lola sa Victory Bus Terminal makaraang mabulgar na gumamit ito ng pekeng pangalan matapos na bumisita sa kanyang selda ang ina ng suspek, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Natuklasan na Ramil Miclat ang tunay na paÂngalan at 30-anyos na ang edad ng suspek matapos na una itong magpakilala sa pangalang Elmer Orfano, at 18-anyos lamang, nang usisain ng mga pulis ang dumalaw na ina.
Dahil dito, dinagdagan ng paglabag sa Article 178 ng Presidential Decree 38 o “using fictitious name†ang isinampang kaso sa suspek bukod pa sa mga kasong homicide at dalawang bilang ng frustrated murder.
Samantala, naghigpit naman ng seguridad ang pamunuan ng Victory Bus Liner sa kanilang terminal makaraang masawi ang 60-anyos na pasahero na si Rebecca Sapelino, nang tamaan ng ligaw na bala habang sakay ng bus dahil sa pamamaril ng suspek.
Ayon sa pamunuan ng terminal, hindi na nila papayagang maglabas-pasok ang publiko na hindi naman sasakay sa loob ng terminal habang magdadagdag pa ng mga “closed circuit television camera†sa paligid at sa lahat ng kanilang mga bus.
Ito ay makaraang masapul sa kuha ng kanilang CCTV ang naganap na habulan at pamamaril ni Miclat at maging ang sitwasyon sa loob ng bus bago tamaan ang lolang si Sapelino. Nag-ugat ang insidente makaraang humingi ng saklolo si John Navarro sa mga pulis upang madakip si Miklat na nagpapatubos ng nakaw na cellular phone.