Lee ipatatawag ng House
MANILA, Philippines - Hindi dapat ilimita lang sa umano’y multi-billion peso cam sa Pag-IBIG Fund (Home Development Mutual Fund) ang kaso ni Delfin Lee.
Ayon kay Abakada Rep. Jonathan de la Cruz, hihiÂlingin niya sa House Committee on Good Government and Public Accountability na isama si Lee sa mga iimbitahan para bigyang linaw kung bakit na-bankrupt ang government controlled corporation na Home Guaranty Corporation (HGC).
Nais ni dela Cruz na imbestigahan ang mga tranÂsaksiyon ng HGC na kinapos ng halos P13.296 billion noong 2012. Maari umanong may kinalaman dito ang P6.6 billion housing scam sa HGC’s bankruptcy.
Pinuna ni de la Cruz na noong 2008 nang dumaranas na ang HGC ng problemang pinansiyal ay pumasok ang Globe Asiatique ni Lee sa isang Funding Commitment Agreement sa Pag-IBIG para sa housing project at nakatanggap umano ng P6.6 billion housing loans.
Subalit sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ay lumilitaw na gumamit umano si Lee ng fake documents para makakuha ng loan at mula sa 9,951 umano’y Pag-IBIG borrowers sa GA, 1,000 ang hindi ma-locate, 400 ang na-deny ang housing loan applications at 200 ang hindi kumpleto ang mga dokumento. Ilan din sa mga buyers ay peke umanong miyembro ng Pag-IBIG, habang ang iba ay hindi kuÂwalipikadong maging miyembro.
“Mr. Lee could not secure the loan from Pag-IBIG without being guaranteed by HGC,†sabi ni de la Cruz.
Hihingin ni dela Cruz na ipatawag si Lee sa susunod na hearing at iba pang HGC at Pag-IBIG officials na nakipag-transaksiyon sa Globe Asiatique.
- Latest