MANILA, Philippines -“Kahit kaibigan kita ‘pag mali hindi puwedeng palagpasin.â€
Ito ang naging tugon ni Senator Alan Peter CaÂyetano sa tila naging paÂtutsada kahapon ni Sen. Jinggoy Estrada matapos ang talumpati ng huli na may pamagat na “The tale of two incredible witnessesâ€.
Sa talumpati ni Estrada, mistulang nag-blind item ito ng sabihin na ginagamit lamang ng ilan nyang kasamahang senador ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam para sa kanilang ambisÂyon sa 2016 elections.
Sinabi ni Cayetano na ang ginagawa nilang imbestigasyon ay hindi tungkol kay Senator Estrada o kaya ay tungkol sa kanya o sa 2016 kung hindi tungkol sa pera ng taumbayan.
“This is not about Senator Jinggoy, this not about Alan Cayetano, this is not about 2016, this is about the people’s money,†ani Cayetano.
Iginiit din nito na naÂging pantay siya at magalang sa mga umuupong testigo sa Senado
Sinabi pa ni CayeÂtano na nadudurog ang pagtingin ng taumbayan sa Senado gayundin sa gobyerno dahil sa mga nangyayari kung saan ang mga pulitikong dapat sana’y magbantay sa pera ng taumbayan ay nagiÂging ‘bantay salakay.’
Iginiit din ni Cayetano na naging pantay at magalang siya sa mga nagiÂging testigo sa Senado at binibigyan naman nila ng pagkakataon ang mga isinasangkot na senador na dumalo sa pagdinig upang ibigay ang kanilang panig.
Maraming tiyansa aniya ang ibinigay kina Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Bong Revilla na humarap sa komite.
Pero iginiit ni Estrada na hindi ang blue ribbon committee ang tamang “forum†para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya kung hindi sa korte.
Nauna rito, sinabi ni Estada na hindi makatarungan ang nangyayari sa kanilang “trial by publicityâ€.