MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na ilipat sa regular jail ang sinasabing utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Deputy PreÂsidential spokesperson Abigail Valte, naiintindihan niya ang naging pahayag ni Sen. Chiz Escudero kamakalawa sa Senado hinggil sa patuloy na ‘VIP’ treatment ng gobyerno kay Napoles gayung ang mga nagnakaw ng cellphone ay nasa regular na kulungan.
Idinagdag pa ni Valte, bukas na ang DOJ sa posibilidad at tinitignan na nila ang hinaharap sakaling iutos ng korte na ilipat sa regular jail si Napoles.
Aniya, kokontrahin din ng DOJ ang apela ni Napoles na magpagamot ito sa St. Lukes Global City.
“From what I understand, the DOJ has plans to either to oppose or they have a say on this because that will be heard also. Let’s wait for the DOJ to present government’s side when the motion to move her into a hospital is being heard by the Makati RTC,†paliwanag ni Valte.