MANILA, Philippines - Isang opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at anim na civilian assets nito ang inaresto dahil sa umano’y pagbebenta ng mga nakukumpiskang droga sa mga inaarestong Chinese drug traffickers.
Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Benjamin MaÂgalong ang inarestong opisyal na si Chief Insp. Bienvenido Reydado, hepe ng CIDG Pampanga at miyembro ng Philippine National Police AcaÂdemy (PNPA) Class 1999 na kalaboso ngayon sa Camp Crame kasama ang anim pa.
Nakilala ang mga ciÂvilian agents na sina AdriaÂno Laureta alyas Ambo, Arnold Sanggalan alyas Arnold, Eric Reydado alyas Eric, Pedrito Tadeo alyas Pepot, AdriaÂno Laureta alyas Andy at alyas Eric at Edwardson Sisracon na number two most wanted person sa Naic, Cavite.
Sinibak naman ang lahat ng tauhan ng Pampanga CIDG kabilang si CIDG Region 3 Chief P/Chief Supt. Victor Valencia dahil sa isyu ng command responsibility.
Ang raid ay sa bisa ng search warrrant ng Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City.
Ayon kay Magalong, nakatanggap sila ng tip na ilang tauhan ng CIDG Pampanga ang nagkakanlong umano ng mga kriminal, gumagamit ng civilian agents para magdala ng mga loose firearms at ang ‘agaw bato’ o pagbebenta ng illegal na droga na nakukumpiska partikular na sa mga Chinese drug traffickers dahilan para ikasa nila ang isang operasyon.
Ibinulgar ni Magalong na sa ilalim ng ‘agaw bato’ na modus operandi nina Reydado ay huhulihin ng mga ito ang mga big time drug dealer, dadalhin sa isang safehouse at saka kukunin ang mga baril, pera at shabu. PagkaÂtapos ng negosasyon ay palalayain ang mga nahuhuling drug traffickers na hinihinalang naglagay sa mga ito.
Palilitawin nina Reydado na nagsagawa sila ng operasyon pero negaÂtibo ang resulta pero ang nakuhang mga droga sa mga drug trafficker at mga kontrabando ay ibebenta naman ng mga ito.
Nasamsam sa raid ang 5 high powered firearms, 11 pistols, isang rifle grenade at iba’t ibang magazine ng sari-saring armas na karamihan ay mga loose firearms o walang lisensya habang ang iba naman ay paso na ang lisensya. Nakuha rin sa mga suspek ang P2.6 milyong cash na hinihinalang benta ng mga ito sa droga at iba pang katiÂwalian.