^

Bansa

7 CIDG men arestado sa ‘Agaw-Bato’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at anim na civilian assets nito ang inaresto dahil sa umano’y pagbebenta ng mga nakukumpiskang droga sa mga inaarestong Chinese drug traffickers.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Benjamin Ma­galong ang inarestong opisyal na si Chief Insp. Bienvenido Reydado, hepe ng CIDG Pampanga at miyembro ng Philippine National Police Aca­demy (PNPA) Class 1999 na kalaboso ngayon sa Camp Crame kasama ang anim pa.

Nakilala ang mga ci­vilian agents na sina Adria­no Laureta alyas Ambo, Arnold Sanggalan alyas Arnold, Eric Reydado alyas Eric, Pedrito Tadeo alyas Pepot, Adria­no Laureta alyas Andy at alyas Eric at Edwardson Sisracon na number two most wanted person sa Naic, Cavite.

Sinibak naman ang lahat ng tauhan ng Pampanga CIDG kabilang si CIDG Region 3 Chief P/Chief Supt. Victor Valencia dahil sa isyu ng command responsibility.

Ang raid ay sa bisa ng search warrrant ng Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City.

Ayon kay Magalong, nakatanggap sila ng tip na ilang tauhan ng CIDG Pampanga ang nagkakanlong umano ng mga kriminal, gumagamit ng civilian agents para magdala ng mga loose firearms at ang ‘agaw bato’ o pagbebenta ng illegal na droga na nakukumpiska partikular na sa mga Chinese drug traffickers dahilan para ikasa nila ang isang operasyon.

Ibinulgar ni Magalong na sa ilalim ng ‘agaw bato’ na modus operandi nina Reydado ay huhulihin ng mga ito ang mga big time drug dealer, dadalhin sa isang safehouse at saka kukunin ang mga baril, pera at shabu. Pagka­tapos ng negosasyon ay palalayain ang mga nahuhuling drug traffickers na hinihinalang naglagay sa mga ito.

Palilitawin nina Reydado na nagsagawa sila ng operasyon pero nega­tibo ang resulta pero ang nakuhang mga droga sa mga drug trafficker at mga kontrabando ay ibebenta naman ng mga ito.

Nasamsam sa raid ang 5 high powered firearms, 11 pistols, isang rifle grenade at iba’t ibang magazine ng sari-saring armas na karamihan ay mga loose firearms o walang lisensya habang ang iba naman ay paso na ang lisensya. Nakuha rin sa mga suspek ang P2.6 milyong cash na hinihinalang benta ng mga ito sa droga at iba pang kati­walian.

ADRIA

ARNOLD SANGGALAN

BENJAMIN MA

BIENVENIDO REYDADO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

PAMPANGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with