Peace and order tututukan ng bagong MPD chief

MANILA, Philippines - Tiniyak  ni Manila Police District (MPD) Acting­ Director Chief Supt. Rolando Asuncion na tutukan niya ang peace and order sa lungsod bunsod na rin ng  laganap na kri­minalidad.

Sa ginanap na turn over ceremony kahapon sinabi ni Asuncion na mas dapat na doblehin ng kapulisan ang pagbibigay ng seguridad kung saan ang mga ino­senteng sibilyan ang kadalasang nagiging biktima.

Ayon kay Asuncion, paiigtingin niya ang police visibility dahil ito ang pantapat sa mga kriminal na patuloy na paghahasik ng kasamaan.

Bibigyan-pansin din ni Asuncion ang pagkakasangkot ng mga pulis sa iba’t ibang katiwalain na nagiging dahilan upang mawala ang tiwala ng publiko.

Dapat aniyang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis at magsilbing kaibigan na  matatakbuhan anumang oras.

Ipagpapatuloy umano niya ang  ‘one strike  po­licy’ ay patuloy na  isasagawa laban sa mga pulis  na sangkot sa  katiwalian.

 

Show comments