^

Bansa

Kalbaryo ng MRT riders aabot sa 2016

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatagal pa ng hanggang 2016 ang kalbaryo ng mga sumasakay sa Metro Rail Transit (MRT) dahil sa naturang taon pa darating ang full delivery ng mga bagong coaches.

Ayon kay Senate Pre­sident Pro-Tempore Ralph Recto, habang hinihintay ang pagdating ng mga bagong coaches dapat gumawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paghihirap ng mga sumasakay sa MRT.

Sinabi ni Recto uma­abot sa mahigit kalahating milyon ang pasahero ng MRT araw-araw.

Isa aniya sa maa­ring gawin ang pagpapahaba ng oras ng biyahe ng MRT 3 ng kahit isang oras upang mas marami pa rin ang makasakay na pasahero.

Ang pinakahuling tren na umaalis ng Trinoma station ay 10:30 pm samantala ang mula sa opposite direction ay umaalis sa Taft Avenue station ng 11 pm.

Sa gagawing pagpapahaba ng operating hours, ang MRT 3 ay madadagdagan pa ng 20 trips at makakapagsilbi sa 23,640 pasahero sa magkabilang direksiyon.

Imposible aniyang mawalan ng pasahero ng MRT dahil ang Metro Manila na may populasyon ng 13 milyon ay isa ng 24/7 metropolis.

AYON

IMPOSIBLE

ISA

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

MRT

PRO-TEMPORE RALPH RECTO

SENATE PRE

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with