EDSA revolution 'di lang sa Metro Manila - PNoy
MANILA, Philippines – Hindi lamang sa Metro Manila naganap ang rebolusyon ng mg Pilipino sa EDSA ngunit sa iba’t ibang parte ng bansa, ayon sa Pangulo ngayong Martes.
Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang talumpati sa paggunita ng ika-28 anibersaryo ng Edsa People Power 1 sa Cebu City na panahon na upang kilalanin ang kontribusyon ng mga Pinoy sa labas ng Metro Manila.
“Hindi lang naman sa Edsa nag alsa ang taong bayan di ba? May Cebu, may Davao at napakarami pang mga lugar. At palagay ko naman time na rin, after 28 years, na ma recognize yung contribution ng iba't ibang lugar,†wika ni Aquino.
"Pag aalsa ng taong bayan sa buong Pilipinas hindi lang sa Metro Manila...In previous years, I'd like you to recall na may mga nagsasabing na nagre-revise ng history na ang pag aalsa laban sa mga Marcos ay nangyari sa Maynila lang. So I guess I want to highlight, partly one of the reasons I want to highlight, na hindi Maynila lang, hindi NCR lang. Maraming mga lugar at yung buong sambayanan yung buong sambayanan ang nag alsa laban kay Ginoong Marcos at sa kanyang pamumuno," dagdag ng Pangulo.
Sinabi rin ni Aquino na nangumbida sila ng mga taong nanguna noong pag-aaklas laban sa diktaturya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
"Now yung lahat ng mga key players naimbita...ako 12 years old nung Martial Law prinoklama. Fifty four (years old) na ako ngayon. Nakatatanda naman siguro sa atin marami dun sa key players. Pagkakaintindi ko inimbita lahat," banggit niya.
"Kaninang umaga sa dyaryo nakita ko si (former) President FVR ginawa yung kanyang traditional na pagtatalon. So may partisipasyon sya in some other commemorative activities with regard to the Edsa commemoration," sabi pa ni Aquino.
Ilan sa mga personalidad na wala sa selebrasyon ng EDSA ay sina dating Pangulo Fidel Ramos at Senador Juan Ponce Enrile.
- Latest