^

Bansa

Protesta vs cybercrime ikakasa sa EDSA anniv

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglulunsad ng ma­lawakang kilos protesta ang lahat ng petitioner laban sa kontrobersyal na cybercrime law sa mismong selebrasyon ng Edsa People Power sa Martes.

Gagawin ang pagkilos sa Edsa Shrine simula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi na kapapalooban ng candle lighting sa gabi.

Ayon kay Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, bilang isa sa mga petitioner, ang hakbang ay bilang pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema na constitutional ang online libel na nakapaloob sa Cybercrime Law.

Sabi ni Ridon, ang na­ging desisyon ng Korte ay bagsak sa kanilang panlasa at marami umanong butas na dapat ay isailalim pa sa masusing pag-aaral at konsultasyon.

Bunga nito, nakatakdang maghain ang grupo ng motion for reconsi­deration na layunin na pigilan at tuluyang ibasura ang Cybercrime Law.

Idedeklara rin ng grupo ang araw ng Martes bilang “Black Tuesday” simula alas-12 ng hatinggabi.

 

AYON

BLACK TUESDAY

BUNGA

CYBERCRIME LAW

EDSA PEOPLE POWER

EDSA SHRINE

GAGAWIN

KORTE SUPREMA

TERRY RIDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with