^

Bansa

Malunggay industry isinulong ni Villar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong ni Sen. Cynthia Villar ang pagtatatag ng malunggay industry na makapagbibigay din ng hanapbuhay at pangkabuhayan sa mga mamamayan.

Sa Senate Bill 2099 na inihain ni Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, nais nitong magkaroon ng batas na tatawaging â€œAct Establishing the Malunggay Industry.”

Ayon sa panukala ni Villar, ang malunggay sa ngayon ay pinagkakakitaan na ng nasa marginalized sector dahil nagagawa itong sangkap ng noodles, cookies, pretzels at pandesal.

Kilala sa siyensiya sa pangalang moringa oleifera, meron ding natural oil ang malunggay na ginagamit sa pagluluto o paggawa ng salad. Ang kalidad ng langis mula sa malunggay ay maihahambing sa olive oil.

Ayon kay Villar, kabilang din ang malunggay sa “traditional medicine” na gamot sa mga sugat, inspeksyon sa balat, ubo, lagnat at iba pang sakit sa may kaugnayan sa baga.  Nakatutulong din ito upang magkaroon ng mas maraming gatas ang isang nagpapasusong ina.

Meron din itong ‘antioxidant properties” kaya ginagamit sa “beauty and cosmetic” companies  sa pagggawa ng skin care products.

Napatunayan din na ang malunggay ay may anti-aging, anti-diabetic, anti-tumor at anti-microbial properties.

ACT ESTABLISHING THE MALUNGGAY INDUSTRY

AGRICULTURE AND FOOD

AYON

CYNTHIA VILLAR

ISINULONG

KILALA

MALUNGGAY

SA SENATE BILL

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with