Malacañang nasa likod daw ng Chacha
MANILA, Philippines - Inakusahan ng mga militanteng kongresista na ang Malacañang ang nasa likod ng pagsusulong ng Kamara sa Charter change.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi basta gagalaw ang Kamara at Senado para isulong ang Chacha kung walang kumpas ni Pangulong Noynoy Aquino at ito rin umano ang dahilan kaya confident at overwhelmed ang suporta ng mga kongresista at senador dito.
Giit pa ni Colmenares, bagaÂmat sinabi na ng Pangulo na tutol ito sa Chacha ay iba naman ang ikinikilos ng mga kaalyado nito sa Kamara.
Para naman kay Bayan Muna Rep. Isagani Zarate, kaya ayaw munang mag-front ng Pangulo sa isyu ng Chacha ay dahil sa pangamba nito na mapintasan na mali ang ginawa ng kanyang ina na si dating pangulong Corazon Aquino dahil sa termino nito nabuo ang 1987 Constitution.
Hiniling din ng grupo na maglunsad ng malawakang konsultasyon ang liderato ng Kamara sa mga rehiyon at lalawigan para makuha ang sentimyento ng nakakaraming Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dati na rin umano nagkaroon ng serye ng Chacha consultation at lumalabas na tutol ang nakakarami sa pagbabago ng saligang batas.
Pangamba naman ni GabÂriela partylist Rep. Emmie de Jesus, na kapag binuksan ang economic provisions ng konstitusyon ay posibleng magbigay daan pa ito sa mas malawakang pagbabago at pag-amyenda sa buong ConsÂtitution.
Ito ay dahil may apat na resolution pa sa committee ang nakahain kung saan humihiling ng pagbabago ng porma ng gobyerno at hanggang ngaÂyon ay hindi pa ito pormal na nababawi sa komite.
- Latest