MANILA, Philippines - Nais paimbestigahan ng isang grupo sa Commission on Audit (COA) ang mga proyektong pinondohan sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Tumungo ng tanggapan ng COA sa Quezon City ang grupong Abolish Pork Movement ngayong Lunes upang hilingin kay chairperson Grace Pulido-Tan na siyasatin ang umano'y maanomalyang DAP.
"While DAP claims to be an economic stimulus program, several of the projects included in the DBM submissions could hardly be considered as having a positive impact on economic growth. Too many items appear to be in line with presidential pork spending and as such are very vulnerable to corrupt practices like those that attended the congressional pork or PDAF," nakasaad sa liham ng grupo.
"It is our hope that the COA will look into these disbursements and ascertain the status of these projects and how the funds were utilized, if the Commission has not yet done so," ayon pa sa Abolish Pork Movement.
Nakatakdang dinggin ng Korte Suprema ang huling oral arguments ng DAP bukas.
Nauna nang kinuwestiyon ng grupo ang DAP sa mataas na hukuman dahil sa umano'y hindi ito naaayon sa Saligang Batas.
Sinabi ng COA nitong nakaraang linggo na may P100 milyong pondo ang napunta sa mga kwestiyonableng non-government organizations.
Ilan sa mga ito ang P5.432 pondo ng Department of Agrarian Reform, P1.819 bilyon para sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process funds at P5.5 bilyon para sa "various infrastructure projects."