LTFRB hirap sa kawalang plaka ng LTO
MANILA, Philippines - Inamin ng Land Transportation Franchising ReguÂlatory Board (LTFRB) na hirap sila ngayon sa pagkakaloob ng yellow plates sa mga public utility vehicles dahil walang car plates na naibibigay ang Land Transportation Office.
Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Gines na dulot nang kawalan ng plaka sa LTO, may ilan pa ring mga passenger vehicles ay makikitang puti ang car plates o plaka na pang-private plate.
Bunga nito, sinabi ni Gines na upang makapaÂsada na ang mga sasakyan na wala pang yellow car plates, pinapayagan na nila ngayon ang mga sasakyan na gamitin ang invoice o delivery receipt ng sasakyan para lamang makabiyahe at may hawak na kaukulang dokumento na nagpapatunay na naghihintay na lamang ng release ng LTO para sa yellow car plates.
Pinaalalahanan din ni Gines ang ilang PUV opeÂrators na huwag samantalahin ang kawalan ng plaka sa LTO para maibiyahe ang sasakyan na puti pa ang plaka dahil kapag nasita ito ay kailangang may kaukulang dokumento itong ipapakita na “for release†na ang kanilang yellow plates.
Ilang AUVs umano ay nakakagala na makapaÂsada kahit colorum pa dahil nagtake-advantage sa sitwasyon.
Ilan din umanong AUvs na napasada na legitimate ang linya ay tinatanggal ang plaka ng sasakyan para naman makaiwas sa color coding.
- Latest