Sa pagtawag ng Hitler sa China Phl hindi naghahamon ng giyera
MANILA, Philippines - Walang plano ang Malacañang na dalhin sa giyera ang paghingi nito ng suporta sa international community kaugnay sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na hiniling ni Pangulong Aquino ang suporta ng international community upang igiit na sundin din ng China ang international rule partikular ang UNCLOS.
Ginawa ng Palasyo ang paglilinaw kaugnay sa sinabi ni US Pacific commander Gen. Herbert Carlisle, Commander ng US Air Forces in the Pacific na ang ginawa umanong paghahambing ni PNoy kay Hitler sa China ay hindi nakakatulong bagkus ay lalong nakakapagpalala ng sigalot na posibleng maging mitsa ng giyera.
Magugunita na sa interview ng New York Times kay Pangulong Aquino kamakailan ay inihalintulad nito sa ginawa ni Hitler ang China sa pananakop noong World War II.
Umani ng batikos sa China ang naging pahayag na ito ni PNoy pero nilinaw din ng chief executive na nais lamang igiit ng Pilipinas na dapat sumunod ang lahat ng bansa sa UNCLOS.
- Latest