MANILA, Philippines - May 66,813 na mga bagong gawang classroom ang magagamit na sa darating na pasukan makaraang itinurn-over ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga elementary at secondary public schools sa bansa.
Kabilang sa mga silid-aralan ay mga one-storey structures at multi-floor buildings, na itinayo gamit ang national at local goÂvernment funds at mga donasyon mula sa pribadong sector.
Mahigit 35,000 classrooms ang pinondohan ng national budget; 13,189 ang itinayo gamit ang LGU funds; 14,886 ang mula sa local donations; 1,215 ang mula sa foreign donations at 2,242 ang mula sa PPP for School Infrastructure Project (PSIP).
Sa ceremonial turnover ng mga silid-aralan sa Carmona National High School (CNHS), na isa sa beneficiaries ng mga karagdagang classroom, sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa tulong ng mga pribadong orgaÂnisasyon at mga public institutions na nagpapakita ng commitment sa de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.
Nagpasalamat si Luistro sa tulong ng kanilang mga “partners in education†mula sa private sector, LGUs at DPWH upang matupad ang kanilang pangako sa mga Filipino learners na tugunan ang mga kakulangan sa silid-aralan.
Pinasalamatan rin ni Luistro si Pangulong Aquino dahil sa patuloy na suporta sa sector ng edukasyon na malaÂking tulong aniya upang maisakatuparan nila ang proyekto.
Tiniyak rin ni Luistro na patuloy silang magsusumikap upang maipagkaloob ang lahat ng mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa.
Aniya, magtatayo pa sila ng mga karagdagang silid-aralan ngayong taong ito bilang paghahanda sa full implementation ng Senior High School o grades 11 at 12 sa taong 2016.