^

Bansa

3 iniwang patay: Basyang sumibat na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ang bagyong Basyang na naging low pressure na lamang na nag-iwan ng tatlo kataong patay sa Southern Leyte at Cebu.

Ayon kay Manny Mendoza, weather forecaster ng PAGASA, lagpas hatinggabi na nang makatawid ng PAR line ang sentro ng bagyo, kaya inaasahang hindi na makakaapekto ito sa ating bansa.

Dahil dito, makakaranas ng magandang panahon ang ating bansa. Wala na ring nakikitang bagyong papasok sa kasalukuyan, gayundin ang LPA sa loob ng PAR.

Nilinaw ni Mendoza na mas madalas na dinadalaw ng bagyo ang buwan ng Pebrero kaysa Enero base sa kanilang karanasan, pero isa o dalawang beses lamang.

Pumatak naman sa 24.2 degrees celsius ang temperatura sa Metro Manila, habang 15.0 degrees celsius sa Baguio.

Inaasahang manunumbalik umano ang malamig na panahon sa loob ng tatlong araw, sa sandaling bumalik ang northeast monsoon o amihan na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

 

AYON

BASYANG

CEBU

DAHIL

ENERO

MANNY MENDOZA

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RES

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with