MANILA, Philippines - Sa kabila ng pinangangambahang pagtutol ni Pangulong Aquino at ng marami, pursigido pa rin si House Speaker Feliciano Belmonte na isulong ang Charter Change o Cha-Cha kaya siÂnimulan na nitong pulungin ang mga miyembro ng Constitutional Amendments Committee.
Ayon kay Capiz Rep. Fredinil Castro na miyembro din ng Constitutional Amendments Committee, pinulong na sila kahapon ng umaga ni Belmonte para sa inisyatibo nitong maamyendahan ang saligang batas.
Ang pinulong umano ni Belmonte ay piling kasapi ng Constitutional Amendments Committee na pawang mga abogado lamang.
Malinaw naman umano ang marching order sa kanila ng Speaker at ito ay ang suportahan at i-co-sponsor ang Cha-Cha resolution nito at ang bilisan din ang pagtalakay nito sa komite.
Subalit nilinaw umano sa kanila ni Belmonte na ang isisingit lamang sa mga economics provisions ng saligang batas ay ang salitang “unless otherwise provided by law†upang madali itong maamyendahan sa pamamagitan ng ordinaryong lehislasyon.
Idinagdag pa ni Castro na target talaga ng Speaker na maiakyat na sa plenaryo ang Cha-Cha resolution nito pagdating ng buwan ng Hunyo.