^

Bansa

Pulitikong nakinabang sa mga bunkhouses, pinatutukoy Sec. Lacson hinamon ni Sen. Bong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang hinamon kahapon ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. si Sec. Panfilo Lacson  na pangalanan nito ang 10 pulitikong nagbulsa at kumita mula sa konstruksyon ng mga bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.

Sinabi ni Revilla, mas  makabubuting ihayag na ni Lacson ang mga pangalan ng sampung pulitiko na umano’y kumita ng 30 hanggang 35 porsyento mula sa over-prices at substandard bunkhouses.

Si Lacson na kamakailan ay ipinuwesto bilang presidential assistant for rehabilitation and recovery para sa mga naapektuhang lugar sa Visayas sanhi ng super-bagyong Yolanda ay umamin na nasa kanya na ang mga pangalan ng mga politicians na sangkot sa anomalya.

Ani Lacson ang 10 politicians na ito ay kumulekta mula sa mga contractors pero hindi sumunod sa tamang specifications ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa konstruksyon ng istraktura ng bunkhouses.

Tumangging pangalanan ni Lacson ang mga sangkot subalit inamin niya ang iba sa mga ito ay kilala bilang administration allies samantalang ang iba naman ay nasa oposisyon.

“Dapat na pangalanan na niya (Lacson) ang mga involved. Hindi na ito ang panahon para itago pa ang pangalan nila at hayaan ang ganitong klase ng pandaraya. Kumbaga, biktima na, bibiktimahin pa”, sabi pa ni Revilla.

 

vuukle comment

ANI LACSON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LACSON

PANFILO LACSON

REVILLA

REVILLA JR.

SENATOR RAMON

SI LACSON

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with