MANILA, Philippines - Isinisi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Public Affairs chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa Reproductive Health Law ang laganap na pornograpiya sa Pilipinas.
Ayon kay Bishop Pabillo, hindi malalabanan ng pamahalaan ang internet pornography hanggat hindi itinuturo ang kasagraduhan ng sex.
Inihayag ng Obispo na hindi mawawala ang kultura ng addiction sa pornography hanggat lantaran ang pagsusulong ng pamahalaan sa condom, contraceptives at pagpupumilit sa implementasyon ng RH Law.
Ipinagtataka ng ObisÂÂpo sa sinasabi ng pamahalaan na mahigpit nilang nilalabanan ang child pornography gayong ito mismo ang nagpo-promote ng condom at kultura ng sex sa bansa.
Natitiyak naman ng Obispo na kahirapan ang pangunahing dahilan sa paglaganap ng internet pornography kung saan mga menor-de-edad ang kasangkot.
Ayon sa Obispo, maÂkaÂkatulong sana sa kampanya sa pagbuwag ng mga cyber sex syndicate kung may ma-prosecute ang pamahalaan na nasa likod ng masamang gawain.