Palasyo nagpaliwanag sa hindi pag-veto sa pork barrel ni Jinggoy

MANILA, Philippines - Nagpaliwanag kahapon ang Malacañang na hindi kasama sa mga na-veto ng Pangulong Benigno Aquino III ang pork barrel funds ni Senator Jose “Jinggoy’ Estrada na naging kontrobersiyal dahil naglagay ito ng P100 milyong pondo sa Maynila kung saan ay Mayor ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Pero nilinaw ni Presidential Spokesperson Abigail Valte na ilagay sa conditional implementation ang ‘pork barrel’ na naisingit ng ilang senador sa 2014 national budget kabilang na ang kay Estrada.

Inihayag pa ni Valte na malinaw naman ang veto message ng Pangulong Aquino, kung saan may mga pondong maaaring mailabas kung matupad ang mga kondisyon o patakaran.

Sinabi din ni Valte na kakausapin nila ang mga mambabatas para maipaliwanag ng tama ang nilalaman ng veto message ng Pangulo.

Matatandaan na 15 senador lamang ang sumang-ayon na huwag ng galawin ang kanilang pork barrel samantalang siyam naman ang mas ginustong ilaan ang pondo sa iba’t ibang ahensiya ng goberyno kabilang na sa ilang local government units.

 

Show comments