MANILA, Philippines - Isang negosyanteng babae ang patay makaraang barilin habang sakay ng kanyang sasak-yan sa lungsod Quezon, kahapon ng hapon.
Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima na si Arlene Garcia, 39, dalaga, residente ng Ortigas Center at may-ari umano ng pagawaan ng timbangan.
Blangko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng salarin dahil walang gustong magsalita sa insidente.
Naganap ang pana-nambang sa may F. Manalo St., Libis, ganap na alas 4:35 ng hapon.
Sabi ng ilang residente sa lugar, bigla na lamang umanong nakarinig sila ng putok ng baril mula sa lugar hanggang sa makita ang biktima na duguan sa may driver’s seat ng minamanehong van.
Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.