^

Bansa

Record ng naputukan tumaas ng 119%

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumaas ng 119 porsiyento ang naitalang firecracker related injuries sa pagsalubong sa  2014.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, naging focus nila ang East Avenue Medical Center, Jose Reyes Medical Center at Tondo Medical Center dahil ang mga ito ang mga pangunahing pagamutan na pinagdadalhan ng malaking bilang ng mga nasusugatan sa nakaraang taon.

Sa kanilang record, lumalabas na 161 ang nadagdag sa halos 300 na naputukan kahapon, kung saan hindi pa kasama ang report mula sa mga lalawigan at ibang pagamutan.

Sa ulat mula sa Ospital ng Makati, sinabi ni Dr. Megan Ispiritu na mas maraming naisugod sa kanila na nagrambulan kaysa sa mga naputukan.

Sa Philippine General Hospital (PGH), isang 25 anyos na babae ang naisugod matapos mahagip umano ng bala ng hindi pa matukoy na baril.

Sa Pasay General Hospital ay may 15 nabiktima ng paputok karamihan sa mga ito ay dahil sa piccolo.

Sa Pasig General Hospital ay may 12 naputukan, kasama na ang batang si Daniel Garcia na nalapnos ang dibdib natapos matalsikan ng may sinding paputok.

Umaabot naman sa 11 ang biktima ng paputok sa Ospital ng Maynila, kung saan dalawa sa kanila ang nabagsakan ng debris ng mga pailaw.

Habang ang isang Koreano na nakigaya sa mga nagpapaputok na mga Pinoy ay naputukan ng kwitis makaraang akalain niyang hindi sumindi ang nasabing firecracker.

Madalang naman sa East Avenue Medical Center ang mga dinadala na napuputukan.

May nalapnos dahil sa fountain, habang sugatan ang kamay ng isang bata dahil sa hindi nabitawang piccolo.

Isang barangay tanod din ang dinala doon matapos mabaril at mamatay.

Sa kabuuang record ng East Avenue Hospital, 35 pasyente ang nadala sa kanila mula kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Dr. Alfonso Nunes, mas mababa ito ng 10 porsyento kung ikukumpara noong 2012.

Sa Amang Rodriguez Hospital, 16 ang naisugod. Kasama sa mga ito ang isang Ramel Dionela na naputulan ng dalawang daliri dahil sa whistle bomb.

Habang isang 45 anyos ang nasabugan din ng paputok dahil sa pag-aakalang hindi ito nasindihan.

AYON

DANIEL GARCIA

DR. ALFONSO NUNES

DR. MEGAN ISPIRITU

EAST AVENUE HOSPITAL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HABANG

HEALTH ASSISTANT SECRETARY ERIC TAYAG

JOSE REYES MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with