Pinoy utas sa sagasa sa Saudi

MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang patay matapos na umano’y masagasaan ng kapwa Pinoy na umano’y nagsasanay na mag-drive ng sasakyan sa isang parke sa Saudi Arabia.

Ayon sa report ng Arab News, nasawi ang ‘di pina­ngalanang Pinoy matapos na masagasaan ng isang lalaki habang nagpa-praktis na mag-drive ng sasakyan ang huli sa loob ng park sa Al-Hair District.

Nahagip umano ang biktimang Pinoy ng sasakyan, nakaladkad at tumilapon sa kanal ng parke noong Biyernes, Disyembre 20.

Nabatid na paboritong pasyalan umano ng mga overseas Filipino workers ang nasabing park kapag weekends.

Show comments