MANILA, Philippines - Bilang dagdag na tulong sa pagbangon sa mga biktima ng bagyong Yolanda, naglabas ang Government Service Insurance System (GSIS) ng bagong loan na aabot hanggang P200,000 para sa muling pagtatayo ng bahay ng mga pamilyang nasalanta sa Visayas.
Inihayag ni GSIS President Robert Vergara ang pagbibigay nila ngayon ng “Home Emergency Loan Program (HELP)â€, isang one time special loan na nakatutok sa muling pagtatayo at pagkukumpuni sa mga nasirang bahay ng kanilang mga miyembro sa 126 lugar sa Visayas na pinakamatinÂding tinamaan ng bagyo.
Sa ilalim ng HELP, maaaÂring mag-aplay ng loan ang mga miyembro base sa kanilang haba ng serbisyo sa gobyerno. Ang mga nagtaÂtrabaho sa pamahalaan ng 10 taon o higit pa ay maaaring makautang ng hanggang P200,000 at ang mga nagtatrabaho ng mas mababa sa 10 taon hanggang limang taon ay hanggang P100,000 ang mauutang.
Samantala, ang mga naÂÂkapagtrabaho naman sa pamahalaan ng mas mababa sa limang taon ay maaaring makautang ng hanggang P30,000 lamang.