^

Bansa

25 sundalong kinidnap sa Golan Heights balik Pinas na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik Pinas na ang mahigit 400 peacekeeping contingent kabilang ang 25 sundalong Pinoy na kinidnap sa ‘ceasefire zone’ sa Golan Heights noong unang bahagi ng taon habang nagmamantine ng kapayapaan sa gulo sa pagitan ng Israeli forces at Syria.

Kahapon ay ginawaran ng United Nations (UN) Service medal ang dumating na 322 peacekeepers sa pamumuno ni Lt. Col. Nolie Anquillano. Ang mga ito ay mahigit isang taong nagsilbi sa Golan Heights kung saan 21 ang nakidnap noong Marso 6 at apat pa noong Mayo 7 ng taong ito.

Ang mga peacekeepers ay sinalubong at pinarangalan ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista sa tagumpay ng misyon ng mga ito sa Golan Heights at Liberia sa simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo.

Kabilang rin sa duma­ting na mga peacekeepers ang 17th Phl Contingent to Liberia (PCL) na binubuo ng 115 sundalo na pawang mula sa Philippine Air Force sa pamumuno ni Col. Fidel Igmedio Cruz Jr.

Sa panayam kay Major Dominador Valerio, Company commander at isa sa mga nakidnap ng Syrian rebels sa Al Jamla, Golan Heights sa ‘ceasefire zone, kung mabibigyan ng pangalawang pagkakataon ay handa silang sumabak muli sa peacekeeping mission doon.

Ayon naman kay Captain Arlis Jardin, Platoon Commander ng 6th Phl contingent sa Golan Heights at kabilang sa apat pang nabihag noong Mayo 7 doon, trinato sila ng maayos at pinakain pa ng Syrian rebels na sinabing iniligtas lamang sila kontra artillery fires.

Ginawaran din ng posthumous award ni Bautista si Sgt. Benson Angot na namatay sa sakit na malaria noong Oktubre 22 habang nagsasagawa ng peacekeeping mission sa Liberia. Ang parangal ay tinanggap ng biyuda nitong si Rodalyn Angot.  Ang Phl 17th contingent sa Liberia ay idineploy doon noong Hulyo 2012.

AL JAMLA

ANG PHL

BALIK PINAS

BENSON ANGOT

CAMP AGUINALDO

CAPTAIN ARLIS JARDIN

CHIEF OF STAFF GEN

EMMANUEL BAUTISTA

FIDEL IGMEDIO CRUZ JR.

GOLAN HEIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with