^

Bansa

Trike driver kinubra na ang P126M lotto jackpot

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinubra na kahapon ng solo winner ng 6/49 lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang tinamaan nitong P126 milyon.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, ang solo winner ay isang 59-anyos na tricycle driver mula sa Lipa, Batangas.

Ang tinamaang kombinasyon ng masuwerteng tricycle driver ay 12-08-37-17-20-09 na may kabuuang premyo na P126,350,776.00, ayon kay GM Rojas.

Ang 59-anyos solo winner ng Dec. 12 6/49 lotto draw ay planong gamitin ang kanyang napanalunan sa transport business, bibili ng bahay at lupa at mamimigay ng balato sa kanyang 3 anak at mga kaanak.

Mula 1995 ay tumataya na siya sa lotto at nagtatabi siya ng P100 upang makataya araw-araw.

“Nagtatabi po ako ng pantaya sa lotto araw-araw sir, pagkatapos kong mamasada ng tricycle. Hindi po ako nawalan ng pag-asa sa kabila po ng 18 walong taon kong paghihintay. Maraming salamat po sa PCSO sir,” wika pa ng winner kay GM Rojas matapos iabot dito ang tseke ng kanyang napanalunan kahapon.

 

vuukle comment

ARAW

AYON

BATANGAS

JOSE FERDINAND ROJAS

KINUBRA

MARAMING

MULA

NAGTATABI

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

ROJAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with