^

Bansa

Comelec ‘OA’ - SB

Butch Quejada/ Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masyado umanong “over acting” ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpapalabas nito ng listahan na nag-uutos na paalisin sa puwesto ang mga kongresista na hindi nakapagsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong 2013 elections.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, tatlo lang sa sinasabing 20 kongresista ang hindi nakapag-file matapos ang May 2013 elections kabilang sina Manila Rep. Trisha Bonoan-David, Camarines Sur Salvio Fortuno at Bulacan Rep. Marivic Sy-Alvarado.

Sa kaso naman ni Congw. Gloria Macapagal-Arroyo, sinabi ni Atty. Raul Lambino, chief of staff ni Arroyo na imposible ito dahil siya mismo ang naghain ng SOCE ng kongresista sa provincial election office sa Pampanga.

Inihain umano niya ito noong Hunyo 2013 bago sumapit ang deadline ng filing ng SOCE.

Iginiit pa ni Lambino na kumpleto ang SOCE ni CGMA dahil kasama nito ang annexes para sa lahat ng ginastos nito noong nakaraang eleksyon.

Subalit wala umano itong annex para sa contribution dahil wala talagang natanggap na kontribusyon si GMA.

Nangako naman si Belmonte na susundin nila ang kautusan ng Comelec sa Lunes dahil tiyak na nakapag-comply na ang mga kongresista dito at kung hindi naman ay mapipilitan itong paalisin sa kanilang mga puwesto.

Pero mas naniniwala si Belmonte sa mga kongresista kaysa sa Comelec dahil siguradong hindi naman in bad faith dito ang mga kongresista.

BELMONTE

BULACAN REP

CAMARINES SUR SALVIO FORTUNO

COMELEC

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

MANILA REP

MARIVIC SY-ALVARADO

RAUL LAMBINO

STATEMENT OF CONTRIBUTIONS AND EXPENDITURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with