^

Bansa

Gobyerno gagastos ng P825-M sa pagbili ng pills at condom

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahapon ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III ang gagawing paggastos ng gobyerno ng P825 milyon  para sa pagbili ng  iba’t ibang uri ng contraceptives tulad ng pills at condom para sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng budget ng Department of Health (DOH) para sa 2014, kinuwestiyon ni Sotto ang big­lang pagtaas ng budget ng gobyerno para  lamang sa contraceptives lalo pa’t nasilip ng Commission on Audit ang kawalan ng bidding para sa pagbili ng mga ito.

Ayon kay Sotto, sa P825 milyong pondo, mahigit sa P500 milyon ay ilalaan para lamang sa oral contraceptives.

Ang nakakabahala aniya, mismong ang World Health Organization (WHO) ang nagsabi na nakaka-cancer ang combined estrogen-progestogen contraceptives at maging ang combined estrogen-progestogen hormonal menopausal therapy na kabilang sa bibilhing contraceptives ng DOH.

Sinabi pa ni Sotto, base umano sa isinagawang pag-aaral tumataas ang ‘risk’ na magkaroon ng liver at breast cancer ng mga gumagamit ng pills o oral contraceptives.

Ayon naman kay Sen. Teofisto Guingona, wala pa namang matibay na ebidensiya na magpapatunay na nakakapagdulot ng cancer ang mga pills na ginagamit ng mga babaeng ayaw ng magka-anak o nagpa-plano ng pamilya.

Ani Sotto, hindi dapat gastusan ng milyun-milyong piso ang mga contraceptives na hindi nakakabuti sa kalusugan.

 

ANI SOTTO

AYON

CONTRACEPTIVES

DEPARTMENT OF HEALTH

KINUWESTIYON

PARA

SOTTO

TEOFISTO GUINGONA

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with