Walang Xmas party sa QC Hall

MANILA, Philippines - Kinansela ni QC Ma­yor Herbert Bautista ang lahat   ng Christmas parties ngayong taon para sa lahat ng empleyado ng QC Hall departments at mga tanggapan dito.

Ang hakbang ay ginawa ni Bautista upang itulong na lamang sa mga sinalanta ng super typhoon Yolanda ang gagastusin sa mga Xmas party sa QC hall.

Kasama sa kanselasyon ng Xmas party ang tanggapan ng Vice Mayor, Sangguniang Pang­lunsod o City Council, 142 barangay chairmen, Sangguninang barangay, department heads at chiefs of offices at iba pang ope-rating units sa QC Hall.   

“In keeping with the somber atmosphere that the country is now experiencing, agency-wide and office parties for the holiday season are hereby cancelled,” pahayag ni Bautista.

Gayunman, maaari naman anyang maglagay ng Xmas decorations sa mga tang­gapan sa QC hall bilang pag-alala sa darating na Kapaskuhan sa bansa na taunang ginagawa ng mga empleyado doon.

Show comments