Failure of elections sa Bacoor City ibinasura ng Comelec
MANILA, Philippines - Wala ng hadlang o pipigil sa pag-upo sa pwesto ni Mayor Strike Revilla at iba pang opisyal ng Bacoor City matapos tuluyang ibasura ng Commission on Elections ang petisyon hinggil sa pagdedeklara ng failure of elections sa nabanggit na lungsod.
Sa resolusyon na inilabas ng Comelec en banc, walang merito at walang basehan ang reklamong failure of elections at maÂlinaw umano na inihalal ng nakararaming mamaÂmayan sa lungsod si Mayor Revilla at ang kanyang Bise Alkalde na si Karen Sarino-Evaristo.
Inihain ng mga natalong kandidato ng Liberal Party sa Bacoor City ang reklamong failure of elections dahil sa umano’y malawakang vote buying noong nagdaang May 13 elections.
Pero nilinaw ng Comelec sa pangunguna ni Chairman Sixto Brillantes na hindi kailanman maaÂaring gamiting dahilan ang “vote buying†para ideklara ang failure of elections.
“Ang ‘vote buying’ ay maaari lamang i-apply para idiskwalipika ang isang kandidato at ito ay inihahain bago ang proklamasyon ng isang nanalong kandidato,†ayon sa Comelec.
Iginiit ng mga natalong kandidato na dahil sa maÂlawakang “vote buying†ay naging mababa ang turn-out ng botohan na hindi naman sinang-ayunan ng poll body.
Ayon sa Comelec, malinaw na nagkaroon ng eleksyon sa Bacoor City at sa pamamagitan ng mahigit 119,000 na boto ay idineklarang panalo at iprinoklama bilang alkalde si Revilla at Bise Alkald si Evaristo matapos makakuha ng mahigit 80 libong boto.
- Latest