^

Bansa

$10M donasyon ng Saudi King sa ‘Yolanda’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang napatunayan ang pagiging “generous” o mapagbigay ng Hari ng Saudi Arabia sa mga Pinoy matapos maglaan ng US$10 milyon o P430 milyong ayuda para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), iniutos ni Saudi King Abdullah bin Abdul Aziz, Custodian ng Two Holy Mosques, ang pagpapalabas ng 10 milyong dolyares na donasyon para sa relief at rehabilitasyong isinasagawa ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda o Haiyan.

Sa report ni Ambassador Ezzedin Tago ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, nakatanggap siya ng tawag mula sa Saudi Minister of Finance at ipinagbibigay-alam ang naturang donasyon at tinanong na rin ang pro­seso kung paano maipapasa ang naturang financial aid sa Phl government.

“On behalf of the President, the Filipino people specially those in the Kingdom, and those in the affected areas, we thank the Custodian of the Two Holy Mosques King Abdullah bin Abdul Aziz Al-Saud, for his generous contribution to the relief efforts for the Yolanda victims,” ani Ambassdor Tago.

Si King Abdullah rin ang tumulong sa OFW na si Rodelio “Dondon” Lanuza na nakulong sa Saudi ng 13 dahil sa pagpatay sa isang Saudi national upang makaligtas sa pagbitay matapos magbigay ng 2.3 milyong Saudi riyal na kaukulangan sa 3 mil­yong riyal (P32 milyon) blood money ng nasabing Pinoy na kamakailan ay nakalaya at nakabalik na sa Pilipinas.

ABDUL AZIZ

ABDUL AZIZ AL-SAUD

AMBASSADOR EZZEDIN TAGO

AMBASSDOR TAGO

CUSTODIAN OF THE TWO HOLY MOSQUES KING ABDULLAH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PILIPINAS

PINOY

SAUDI ARABIA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with