Pagpapauwi sa 71-anyos na OFW, 3 pa sinagot ni Villar
MANILA, Philippines - Sinagot ni Senator Cynthia Villar ang pag-uwi sa bansa ng ilang overseas Filipino workers mula sa Saudi Arabia kabilang ang isang 71 taong gulang na illegally-staying worker sa nasabing bansa.
Ang Villar Foundation ang nagbayad ng plane tickets ng mga undocumented Filipino workers na nanganib na maaresto ng Saudi government dahil sa kampanya laban sa mga illegal foreign migrants.
Personal na sinalubong ni Villar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dumating na mga OFWs kabilang na ang isang 71-anyos na illegally-staying worker.
Tiniyak ni Villar na walang ginamit na pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa kanyang pagtulong sa mga OFWs.
“No PDAF is involved here, -this is my own moÂdest, personal initiative in honor of our modern-day heroes,†sabi ni Villar.
Kabilang sa mga natulungan ng Villar Foundation sina Ariam Tingkong Sapil, 40, at Reynaldo Esmero Reposar, 71.
Hindi naman nakasama sa biyahe ang 53-taong gulang na si Diego Mag-atas, Sr. na mahigit na 20 taong nawalay sa kanyang pamilya dahil sa kawalan ng medical certificate na magbiyahe na may sakit sa spinal column.
- Latest