MANILA, Philippines - Ang takeover kamakailan ng San Miguel Corp. sa operasyon ng Albay Electric Cooperative (ALECO) ay nakikitang magbubukas ng iba pang bagong negosyo at lalong magpapasulong sa ekonomiya ng Albay, bukod sa pagiging solusyon sa problema sa kuryente ng lalawiGan.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang takeÂover ay isang “game changer with significant positive consequences for the Albay economy and also sets a paradigm for the rehabilitation of other problematic power cooperatives distribution utilities.â€
Ginawang pormal ang takeover sa Aleco nitong nakaraang Oktubre 29 sa pamamagitan ng nilagdaang “concession agreement†sa pagitan ng Aleco at ng SM Global Power Holdings sa tanggapan ng SMC sa Ortigas Center, Makati. Ang aktuwal na takeover ay sa Disyembre 26 isasagawa.
Sa ilalim ng kasunduan, magbubuhos ang SMC ng P250 milyon para sa mga kailangan ng Aleco bukod pa sa P350 milyon para sa separation pay ng mga kawaning apektado ng takeover.
At dahil nga sa ang SMC ay may interes din sa Philippine Airlines at lalong pinalalawak pa ang operasyon nito, at nakatalagang buksan ang Daraga International Airport sa August 2016, maaaring magkarooon ng direct Incheon-Daraga o Hong Kong-Daraga o Bangkok-Daraga flights. Ang Incheon sa South Korea at ang Albay ay mayroong “existing sisterhood agreement.â€
Ang Daraga International Airport na kilala ring Southern Luzon International Airport, ay proyektong pinasimulan ni Salceda na naglalayong masama ang Albay sa talaan ng mga international destinations para sa mga investors at turista.