MANILA, Philippines - Nagpalabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng calendar of activities para sa gagawing special barangay elections sa Zamboanga City sa darating na Nobyembre 25.
Batay sa Resolution no. 9805 ng Commission en banc, ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa special barangay polls ay itinakda sa Nob. 7 hanggang 13.
Ang panahon naman ng pangangampanya ay sa Nobyembre 15-23.
Nabatid na ang voÂting hours naman para sa special barangay election ay magsisimula ng 7:00 ng umaga at magtatapos ng 3:00 ng hapon.
Una nang nagdesisyon ang Comelec na ipagpaliban ang halalan sa Zamboanga City matapos ang mahigit dalawang linggong bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari.
Nagpaalala rin ang Comelec sa mga kandidato na hanggang DisÂyembre 26 lamang ang huling araw ng paghahain ng kanilang statements of election contributions and expenditures.