^

Bansa

11 akusado ng Maguindanao massacre, binasahan ng sakdal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binasahan na ng sakdal ang 11 akusado ng Maguindanao massacre kahapon kaugnay ng kasong multiple murder case.

Ang akusadong si Ali­mudin Sanguyod, kilala sa tawag na Norudin Malang at Norudin Garaputay ay nagpasok ng not guilty plea samantalang ang 10 iba pa na binasahan ng sakdal ay ayaw magpasok ng plea sa korte.

Bunga nito, ang korte na mismo ang nagpasok ng guilty plea para sa 10 akusado na sina Moktar Daud, Mohades Ampa­tuan, Macton Bilungan, Misuari Ampatuan, Tato Sampogao, Taya Bangkulat, Salik Bangkulat, Ibrahim Tatak, Norman Tatak, at Maot Dumla.

Ang arraignment sa 10 akusado ay natuloy kahapon matapos ihayag ng kanilang abogadong si Atty. Andres Manuel na handa na siya at ang kanyang mga kliyente na mabasahan ng sakdal hinggil sa sinasabing pagkamatay ng ika-58 biktima ng masaker na si photojournalist Reynaldo “Bebot” Momay.

Noong nakaraang Mayo, hindi naituloy ang arraignment sa mga akusado ni QC RTC presi­ding Judge Jocelyn Solis-Reyes dahil sa nakapen­ding na resolusyon sa mga mosyon na naisumite ng mga akusado sa Department of Justice (DOJ) at sa QC court.

Magugunitang may 58 katao ang namatay kabilang ang 32 mediamen sa naganap na masaker  sa Maguindanao.

ANDRES MANUEL

DEPARTMENT OF JUSTICE

IBRAHIM TATAK

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

MACTON BILUNGAN

MAGUINDANAO

MAOT DUMLA

MISUARI AMPATUAN

MOHADES AMPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with