Eleksiyon sa Bohol, suspendido
MANILA, Philippines - Ipinagpaliban na ng Comission on Elections (Comelec) ang halalang pambarangay sa buong lalawigan ng Bohol dahil sa tindi ng pinsala ng lindol.
Ito’y matapos maging unanimous ang naging desisyon ng Comelec en banc kahapon ng umaga nang talakayin nito ang naturang panukala.
Sa tala ng NDRRMC, lumobo pa ang naitatalang pinsala sa Bohol, na sentro ng lindol, na aabot na sa P763,480,000.
Kabilang sa matinding napinsala ang maraming mga eskwelahan at tanggapan ng pamahalaan na magsisilbing imbakan ng mga election materials at pagdarausan ng botohan.
Maraming residente sa Bohol ang hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan at normal na pamumuhay dahil na rin sa patuloy na aftershocks na nararamdaman.
Gaganapin ang halalang pambarangay sa nalaÂlabing bahagi ng bansa sa Lunes, Oktubre 28.
- Latest