MANILA, Philippines - Sumakabilang buhay na si Sultan Jamalul Kiram III ng Sulu, kahapon ng umaga.
Si Kiram,75, na tinaÂwag ang sarili bilang “Sultan of Sulu†ay namayapa sa Philippine Hearth Center sa Quezon City dahil sa organ failure.
Ayon kay Jacel Kiram, anak ng Sultan at itinuturing na prinsesa ng Sulu, ang kanyang ama ay dinala sa PHC noong nakaraang Huwebes matapos na buÂmaba ang sugar level nito. Nagpapa-dialysis na rin umano ang matandang Kiram dahil karamihan sa kanyang internal organs ay naapektuhan na.
Nabatid kay Jacel na alas-4 ng madaling araw nang tuluyang bawian ng buhay ang kanyang ama sa naturang ospital.
Sinabi ni Princess Jacel na bahala na umano ang kanilang “council of elders†sa paghirang ng hahalili sa kanyang ama. Ngunit sinabi ni Ibrahim Adjarani, taÂgapagsalita ng Sultanato na maaaring si Sultan Ismael Kiram ang humalili sa trono matapos ang 40 araw.
Idinagdag pa nito na naglabas rin ng huÂling kautusan si Kiram bago pumanaw. Ito ay huwag bumitiw at ipagpatuloy ang pag-angkin sa Sabah.
Habang isinusulat ito, nakalagak ang labi ni Kiram sa Blue Mosque sa Maharlika Village sa Taguig kung saan inaantabayanan kung mapagbibigyan sila ng pamahalaan na maibiyahe ito sa Jolo, Sulu upang doon ihimlay.
Matatandaan na pinasok ng 100 mga tagasuporta ni Kiram kabilang ang kapatid nitong si Agbimuddin Raja Muda Kiram ang Sabah nitong Pebrero 2013 upang mapayapang manirahan umano sa pagmamay-aring lupain.
Nauwi ito sa karahasan at marami ang nasawi, matapos na tumanggi ang grupo ng Sultan na ibaba ang kanilang armas sa utos ng Malaysian government.
Nabatid rin na tumakbo bilang senador noong 2007 Elections si Kiram sa ilalim ng Team Unity ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni Kiram.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patuloy na pinag-aaralan pa ng Palasyo kung paano reresolbahin ng gobyerno ang claim nito sa Sabah na ipinaglaban ni Kiram.
“We offer our condolences to the bereaved family and to his loved ones,†wika ni Valte. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)