^

Bansa

5 pulis na nasawi sa MNLF siege, ginawaran ng posthumous promotion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon ni PNP Chief P/Director General Alan Purisima ng posthumous meritorious promotion ang limang PNP personnel na nagbuwis ng buhay sa madugong  20 araw na siege ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Personal na pinangunahan ni Purisima ang  ‘wreatlaying rites’ sa Bantayog ng Bayaning Pulis sa Camp Crame bilang pagkilala sa kabayanihan ng limang pulis na nagbuwis ng buhay upang mapanumbalik ang kapayapaan.

Nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal ng PNP kasama ang naulilang pamilya ng mga nasawing pulis sa nasabing bantayog.

Kabilang sa mga tumanggap ng posthumous promotion ay sina Inspector Jay Oy-Oyan ng Zamboanga City Police na naitaas ng ranggo bilang Senior Inspector; PO3 Murphy Abbilani, miyembro rin ng Zamboanga City Police na na-promote naman bilang SPO1; PO2 Lawin Salisa , PO2 Enrique Afable III, PO2 Christophe Hernaez at PO2 Christopher Hernaez; pawang mga kasapi ng Special Action Force na naitaas sa ranggong PO3.

Inihayag naman ni PNP Public Information Office (PIO) Chief P/Sr. Supt Reuben Theodore Sindac na tatanggap ang mga naulilang pamilya ng mga baya­ning pulis  ng mula P1.5 hanggang P2-M bukod pa sa P15,000 pang-habambuhay na pension mula sa PNP at kahalintulad na pension sa loob ng 5 taon mula naman sa NAPOLCOM.

BAYANING PULIS

CAMP CRAME

CHIEF P

CHRISTOPHE HERNAEZ

CHRISTOPHER HERNAEZ

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ENRIQUE AFABLE

INSPECTOR JAY OY-OYAN

LAWIN SALISA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

ZAMBOANGA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with