^

Bansa

Pampasabog nasamsam sa Pasay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na “wow mali” dahil isang tunay na pampasabog  na ang na­tagpuan na nakalagay sa isang plastic bag  sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Unang itinawag ni Counter Terrorism Division acting chief Supt. Edgar Monsalve kay Chief Insp. Romeo Daquis ng Intelligence Group sa Camp Crame ang impormasyong natanggap kaugnay sa plastic bag na naglalaman umano ng pampasabog.

Kaagad na nakipag-ugnayan si Daquis sa mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Pasay City Police at agad na  pinuntahan nila ang sinasabing lugar dakong alas-3:20 ng madaling-araw at sinuyod ang kahabaan ng Macapagal Avenue.

Nadiskubre ang sinasabing kulay pulang plastic bag malapit sa tulay ng Macapagal Avenue sa tapat ng Dampa Seafoods Restaurant at kaagad na sinuri kung tunay ngang mga bomba ang laman nito.

Matapos ang inspection ay  nakuha sa loob ng bag ang tatlong MK-2 fragmentation grenade, isang plastic na botelya ng mine­ral water na may lamang pulbura, isang cellphone Nokia na may nakalagay na kawad at ginawang blasting cap,  na nakabalot sa lumang dyaryo.

Nagsagawa naman ng pagsisiyasat sa naturang lugar ang pulisya subalit wala isa mang makapag­bigay ng impormasyon kung sino ang respon­sable sa insidente.

Nabatid, na kamakailan ay matinding pagsisikip ng trapiko ang naranasan ng mga motorista sa kahabaan ng EDSA dahil sa na­ganap na bomb scared  dito.

vuukle comment

CAMP CRAME

CHIEF INSP

COUNTER TERRORISM DIVISION

DAMPA SEAFOODS RESTAURANT

EDGAR MONSALVE

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

INTELLIGENCE GROUP

MACAPAGAL AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with