^

Bansa

Misuari, Malik nasa bansa pa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang pagpapalabas ng warrant of arrest, inalerto naman ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng mga paliparan sa buong bansa laban sa puganteng si MNLF founding chairman Nur Misuari at Ustadz Habier Malik kaugnay sa kasong rebelyon at paglusob ng grupo sa Zamboanga City.

Ayon kay  BI spokesperson Maria Angelica Pedro, walang rekord ang ahensya na nakalabas na ng Pilipinas si Misuari at iba pang lider na kabilang sa kinasuhan at pinapaaresto ng gobyerno.

Nakipag-ugnayan na ang tanggapan sa lahat ng kanilang airport personnel sakaling ito ay magtangkang lumabas ng bansa.

“Nasa bansa pa po si Mr. Misuari,” ani Pedro.

Maging ang posibilidad ng paggamit ng ibang pangalan ni Misuari at ni Malik ay kinokonsidera na rin ng BI upang hindi malusutan ng mga pugante.

Napag-alaman na maging si Justice Secretary Leila de Lima ay nagpahayag na rin na maaaring hindi pa nakalabas ng Pilipinas ang pinuno ng rebeldeng grupo at inaming may lead na rin ang mga otoridad laban sa mga ito.

Nakatanggap naman ng intelligence report ang pambansang pulisya mula sa lalawigan ng Sulu na nagsagawa umano ng seremonya para sa patay ang mga kamag-anak ni Malik na siyang nanguna sa paglusob sa Zamboanga City.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

JUSTICE SECRETARY LEILA

MARIA ANGELICA PEDRO

MISUARI

MR. MISUARI

NUR MISUARI

PILIPINAS

USTADZ HABIER MALIK

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with