‘Ramil’ pumasok na sa PAR
MANILA, Philippines - Pumasok na sa PhiÂlippine Area of responsibility ang binabantayang bagyo at tinawag itong “Ramilâ€.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mata ng bagyong Ramil ay namataan sa layong 1,170 km silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging 130 kilometro kada oras at may bugso ng hanging 160 kilometro kada oras.
Inaasahang gagalaw itong patungong hilagang kanluran sa bilis na 26 kilometro kada oras.
Nauna rito, sinabi ng PAGASA na hindi direktang makakaapekto sa alinmang bahagi ng bansa ang bagyo dahil posibleng lumabas din agad ito.
Kaunay nito, binaha naman ang bahagi ng NegÂros Oriental dulot ng pagbuhos ng ulan kahapon kung saan may 4,000 katao ang naapektuhan
Ayon kay provincial coordinator Allen Cabaron ng Region 7, ang mga apektadong residente ay pansamantalang nanunuluyan sa iba’t-ibang evacuation center sa BaÂyawan city.
Sinasabing 13 barangay sa Bayawan ang naapektuhan ng pagbaha, bunga ng pag-apaw ng Okoy river.
Nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa Brgy. AlaÂngilan, bayan ng Santa Catalina kaya hindi na madaanan ng mga sasakyan ang national highway nito.
- Latest