MANILA, Philippines - Binati ni Pangulong Aquino si Megan Young sa panalo nito matapos siyang tanghaling kauna-unahang Filipina na nagwagi ng 2013 Miss World title na ginanap kamakalawa ng gabi sa Bali, Indonesia.
Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, nais ipaabot ni Pangulong Aquino kay Miss Young ang pagbati nito dahil sa karaÂngalang ibinigay sa bansa matapos siyang tanghaling Miss World.
“We congratulate Megan Young sa pagkapanalo niya sa Miss World. This is another Filipino who has gone out there in the world and shown the rest of the world what we can do as Filipinos and another reason for us to be proud,†wika ni Carandang sa interview sa Radyo ng Bayan.
Si Young ang kauna-unahang Filipina na nasungkit ang titulo ng Miss World dahil ang pinakamataas na nakamit ng Filipina sa Miss world competition ay 1st runner up noong 1973 kung san ang pambato ay si Evangeline Pascual.
Noong 2011 ang panlaban ng Pilipinas na si Gwendolyn Ramos Ruais ay tinanghal din lamang na 1st runner up Asia and Oceania Continental Queen habang noong 2012 ay nakasama lamang sa top 15 ang panlaban ng Pilipinas sa Miss World na si Queenierich Rehman.