^

Bansa

Salceda sa magsasaka: Magtanim tayo ng kangkong

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para makabawi ang mga magsasaka sa pagkalugi dulot ng mga mapanirang baha, maaari silang magtanim ng mga halamang tubig at gulay tulad ng kangkong na masustansiya at paborito ng mga Pilipino.

Ayon sa Pagasa, ang kasalukuyang tag-ulan ay maaaring lumampas pa ng Oktubre at tinatayang walo hanggang 12 bagyo ang tatama sa Bicol hanggang Disyembre, kaya mabuti at kapaki-pakinabang ang pagtanim ng kangkong lalo na sa mabababang lugar.

Ayon naman kay Albay Gov. Joey Salceda ang pagtatanim ng kangkong ay mainam na tugon sa hamon at pinsalang dulot ng climate change. Dapat sundin ng mga magsasaka ang “good farm practices” na inirerekomenda ng Department of Agriculture batay sa Seasonal Climate Outlook and Advisory nito, isang proyektong naglalayong turuan ang mga magsasaka tungkol sa pagbabago ng panahon at kung paano ito matutugunan.

Sa isang advisory ng DA, ipinaliwanag nito ang kabutihan ng ulan sa paghahanda ng lupa at pagtatanim, ngunit ang mga bago nilang panamin ay maaaring wasakin din ng baha dala ng malakas na ulan at magdulot sa kanila ng pagkalugi.

Idinagdag pa ni Salceda na bukod sa pana­nalasa ng baha, malamang kasunod din nito ang peste dahil sa ‘wet agro-climatic conditions’ pagkatapos ng baha. Ang kangkong (Ipomoea aquatic), ay matibay din sa peste.

Popular na gulay ang kangkong at ginagamit itong pangsahog sa maraming putahe. Mayaman ito sa protein, iron, calcium, phosphorus, carotene, sitosterol, vitamins A, B1 and C at amino acids.

Sa Bicol, ang Adobong kangkong, bukod sa iba pang putaheng may sahog nito, ay paboritong ulam lalo na kung tag-ulan. Ayon sa isang ‘health guide’ may mga sangkap din itong antitoxin at anti-inflammatory, at nagsisilbi rin bilang ‘laxative, diuretic, homeostatic and sedative.”

Mainam din sa tiyan ang kangkong na isa ring ‘pugative’ dahil sa ‘fiber’ nito na nakakatulong laban sa diabetes at pagtaas ng blood sugar.

 

ADOBONG

ALBAY GOV

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

JOEY SALCEDA

KANGKONG

SA BICOL

SEASONAL CLIMATE OUTLOOK AND ADVISORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with