MANILA, Philippines - Dahil sa nag-uumpisa nang magsibilihan ng dekorasyon ang publiko para sa paparating na Pasko kaya inumpisahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kampanya laban sa mga peke, depektibo at “sub-standard†na mga Christmas lights na inaasahang dadagsa sa mga pamilihan.
Nagpaalala na ang DTI sa mga mamimili na iwasan na bumili ng mga mura nga ngunit mga mahihinang klaseng Christmas lights na siyang nagiging pangunaÂhing dahilan ng mga sunog.
Hindi naman umano papalampasin ng ahensya ang mga negosyante at establisyemento na lalabag sa kanilang patakaran partikular na ang pagbebenta ng mga di makakapasang Christmas lights sa mga pamantayan tulad ng Import Commodity Clearance (ICC) at Philippine Standards (PS).
Ang naturang hakbang ay naaayon sa Consumer’s Welfare Act na nagbabawal sa pagtitinda ng mga pekeng produkto na maaaring maging sanhi ng aksidente at pagkawala ng buhay at ari-arian.