Napoles, 5 senador, 21 pa inireklamo ng plunder sa Ombudsman

MANILA, Philippines - Sinampahan kahapon ng reklamong plunder at graft si Janet Lim-Napoles, limang senador at 23 dati at kasalukuyang kongresista sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa 10 bilyong pork barrel scam.

Ang reklamo ay inihain ni Atty. Jose Malvar Villegas at Carlo Batalla ng Citizen Crime Watch dahil hindi na umano sila makapaghintay sa mabagal na pagsasampa ng kaso sa Department of Justice.

Isinaad sa anim na pahinang reklamo ang limang senador kabilang sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Ramong “Bong” Revilla, Jingoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., at Gregorio Honasan.

Sa reklamo ni Villegas, naging basehan nito ang serye ng ulat ng mga pahayagan tungkol sa pork barrel scam.

Show comments